Thursday, February 21, 2008

UPLB Gandingan Awards 2007


Humakot ng parangal ang ABS-CBN sa Gandingan Awards 2007 ng Community Broadcasters' Society ng University of the Philippines, Los Baños.

Inuwi ng Kapamilya network and 14 sa 25 awards na ipinamahagi sa ikatlong Gandingan Awards.

Mabibigat na awards ang napanalunan ng ABS-CBN. Una, best news program na iginawad sa TV Patrol World, sumunod ang best news anchor na si Korina Sanchez.

Ito ang una sa apat na parangal na iniuwi ni Sanchez. Kabilang dito ang best magazine program para sa "Rated K," best AM radio announcer at best AM radio program nila ni TV Patrol anchor Ted Failon para sa "Tambalang Failon at Sanchez".

"Walang Korina Sanchez kung walang Ted Failon," sabi ni Sanchez.

Kabilang sa iba pang big wins ng Kapamilya network ang best panel discussion program para sa "Y Speak" at best panel discussion program host para kay Bianca Gonzales.

Iginawad ang best talk show sa programang "Boy and Kris" habang si Boy Abunda ang tinanghal na best talk show host.

Binigyang-pansin rin ang music channel ng ABS-CBN na MYX at best VJ si Iya Villania habang best DJ si Martin D ng "101.9 For Life."

Umani rin ang Kapamilya network para sa pinakamataas na parangal bilang best AM station para sa dzMM 630 at best network, ABS-CBN.

No comments: