Friday, August 8, 2008

Rotary Club of Manila 2007 Journalism Awards

Congratulations Kapamilya ABS-CBN at DZMM

Humakot ng parangal ang ABS-CBN at DZMM mula sa Rotary Club of Manila sa ginanap na 2007 Journalism Awards kahapon (July 31)

Nanalo ang ABS-CBN Channel 2 bilang TV Station of the year samantalang ang ABS-CBN News and Current Affairs chief correspondent na si Korina Sanchez ang nagwaging Broadcast Journalist for TV.

"The men and women of ABS-CBN are sincerely honored and humbled by this award," sabi ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio sa awarding ceremony na ginanap sa Manila Polo Club. "We are encouraged because we know that with every trail that we blaze, we help connect more Filipinos to one another worldwide."

DZMM naman ang tinanghal na Radio Station of the Year at ang Station Manager nito na si Angelo Palmones ang hinirang na Broadcast Journalist for Radio.

Ito ang ikatlong beses na naiuwi ng DZMM ang naturang parangal. Ito na rin ang number one Cable News Channel sa Mega Manila base sa survey na isinagawa ng TNS Household Data noong June 2008.

Ang Rotary Club of Manila Journalism Awards ay binuo upang bigyang pugay ang natatanging kontribusyon ng mga indibidwal sa larangan ng pamamahayag gamit ang panulat, telebisyon at radyo.